PBBM, personal na manghihikayat sa mga Arab na negosyante na mamuhunan sa Pilipinas

Magtutungo ang Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Riyadh, Saudi Arabia para dumalo sa ASEAN-Gulf Cooperation Council (GCC) Summit na nakatakdang idaos ngayong linggo, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).

Makikipagpulong ang Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Filipino community at mga negosyante sa pagtungo niya sa Riyadh, Saudi Arabia para dumalo sa ASEAN-Gulf Cooperation Council (GCC) Summit ngayong linggo, ayon sa opisyal ng Department of Foreign Affairs (DFA).

Ayon kay Assistant Secretary for ASEAN Affairs Daniel Espiritu, kasama sa schedule ng Pangulong Marcos ang pakikipagusap sa Filipino community sa Riyadh upang kumustahin ang mga kababayan sa Saudi.

“Now, it’s very important because the GCC is composed of highly-developed Arab economies, and at the same time, they are petrochemical, and as well as hub and logistics economies,” sinabi ni Espiritu sa isang pulong balitaan sa Palasyo.

“They can help ASEAN in addressing energy and food security – energy security because they’re petrochemical powerhouses – but also food security because some of the countries there, especially Qatar, are among the largest producers of fertilizers and they can fill up the slack or deficit on the ASEAN side,” aniya.

Nakatakda rin makipagpulong ang Pangulo sa Ministry of Investments ng Saudi, pati na rin ng mga Arab na negosyante upang hikayatin mamuhunan sa bansa.

“Now, there are also planned bilateral meetings with Saudi Arabia, as well as with Bahrain,” he added.

Nakatuon naman ang mga bilateral meetings sa pagpapalakas ng ugnayan ng bansa sa Saudi Arabia, na may 54 na taong ugnayan, at sa Bahrain, na may 45 na taong ugnayan, ayon kay Espiritu.