PBBM, patungong Jakarta para dumalo sa ASEAN summit

Patungo si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Jakarta, Indonesia ngayong Lunes, Setyembre 4, para dumalo sa ika-43 na pulong ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) mula Setyembre 5 hanggang 7.

Patungo si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Jakarta, Indonesia ngayong Lunes, Setyembre 4, para dumalo sa ika-43 na pulong ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) mula Setyembre 5 hanggang 7.

Inaasahan na makikipagpulong ang Pangulo sa kanyang mga ASEAN counterparts at iba pang mga world leader na dadalo sa ASEAN summit, ayon kay Assistant Secretary Daniel Espiritu ng Department of Foreign Affairs (DFA).

Kasama sa mga nakatakdang pulungin ni Marcos sa Jakarta sina Cambodian Prime Minister Hun Manet, South Korean President Yoon Suk-yeol, Timor-Leste Prime Minister Kay Rala Xanana Gusmão at Vietnamese Prime Minister Pham Minh Chinh.

“With Vietnam, the focus will be on strengthening the strategic partnership between the two countries and of course cooperation on rice and food security,” ayon kay Espiritu, na nakatalaga sa Office of the ASEAN Affairs ng DFA.

“With Xanana Gusmão of Timor-Leste, of course the President will congratulate him on his assumption of office last July, but at the same time we will reassure Timor-Leste of our cooperation with their country in the years to come especially in their preparations for final membership in ASEAN,” dagdag pa niya.

Tatalakayin ng Pangulo kay Yoon ang mga panibagong areas of cooperation na maaaring pasukin ng dalawang bansa, na nagdiriwang ng ika-75 na anibersaryo sa pagkakatatag ng pormal na ugnayan ng Pilipinas at Republika ng Korea.

“We will also be thanking Korea for its support for the Philippines in terms of the assistance that they gave during Typhoon Egay, around 300,000 dollars,” ani Espiritu. Dagdag pa niya na nais mag-donate ng South Korea ng 750 metric tons ng bigas sa Pilipinas.

Samantala, paguusapan naman nina Marcos at Hun Manet ang mga bagay na may interes ang kani-kanilang mga bansa, ayon sa opisyal.

Bahagi ng opisyal na pakay ni Marcos sa ASEAN ay ang pagsusulong sa rules-based international order, kasama na ang pagpapanatili ng mga prinsipyong nakapaloob sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS), lalo pagdating sa usapin ng West Philippine Sea.