PBBM, pasok sa ‘most influential, closely-watched leaders’ sa Southeast Asia

Kinilala si Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. ng isang Australian independent think tank bilang isa sa “most interesting, influential and closely-watched leaders” sa Southeast Asia.

Kinilala si Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. ng isang Australian independent think tank bilang isa sa “most interesting, influential and closely-watched leaders” sa Southeast Asia.

Sinabi ni Lowy Institute Executive Director Dr. Michael Fullilove nitong Lunes na ang talumpati ni Pangulong Marcos sa Australian Parliament noong nakaraang linggo ay nagbigay-diin sa kanyang napakahalagang papel bilang regional leader sa ASEAN o Association of Southeast Asian Nations.

“In the period since his election in 2022, President Marcos has emerged as one of the most interesting, influential, closely watched leaders in Southeast Asia,” ani Dr. Fullilove.

“If there’s anyone who thinks individuals don’t matter in politics, I’d invite them to look at the changes in the Philippines in the past 18 months, in particular the way that Manila has become so much more determined to defend its sovereignty,” giit pa niya.

Sa kanyang naging talumpati sa Lowy Institute, umani ng papuri ang Presidente sa kanyang paninindigan sa West Philippine Sea.