PBBM, palalakasin maritime security ng bansa!

Pinirmahan ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. ang Executive Order (EO) No. 57 na lumilikha ng National Maritime Council (NMC) upang palakasin ang seguridad sa pandagat ng Pilipinas.

Pinirmahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Executive Order (EO) No. 57 na lumilikha ng National Maritime Council (NMC) upang palakasin ang seguridad sa pandagat ng Pilipinas.

Ang EO na ito ay magdadagdag sa kaalaman ng mga Pilipino sa maritime domain sa gitna ng mga pag-atake at China sa West Philippine Sea (WPS).

“Strengthening the country’s maritime security and domain awareness is imperative to comprehensively tackle the crosscutting issues that impact the nation’s national security, sovereignty, sovereign rights, and maritime jurisdiction over its extensive maritime zones,” pahayag ng Pangulo.

Ang NMC, na pinamumunuan ni Executive Secretary Lucas Bersamin, ay pinagkatiwalaang bumuo ng direktiba para sa epektibong pagpapatupad ng EO 57.