PBBM paiimbestigahan ‘wiretapping’ ng China

Nakatakdang paimbestigahan ni Pangulo Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. ang 'di umano'y pag-wiretap ng Chinese Embassy sa Armed Forces of the Philippines-Western Command (AFP-Wescom).

Nakatakdang paimbestigahan ni Pangulo Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang ‘di umano’y pag-wiretap ng Chinese Embassy sa Armed Forces of the Philippines-Western Command (AFP-Wescom).

Kamakailan ay sinabi ng China na maglalabas sila ng transcript at audio recording ng pag-uusap sa pagitan ng mga opisyal ng China at opisyal ng AFP na nag-aapruba sa “new model” para sa resupply missions sa West Philippine Sea.

Ayon sa Pangulo, masyado pang maaga upang magkaroon ng anumang konklusyon.

Kinakailangan niya muna umanong personal na marinig ang nilalaman ng naturang recording.

“We are looking into it because the fact of the matter is there have been mentions of a tape to confirms that there was this agreement,” pahayag ni Marcos.

“It’s in the possession of the Chinese Embassy and the Chinese government. So, until they release it, it’s harder to believe and to accept that there was an agreement,” dagdag pa nito.