PBBM: Pag-ayos sa mga airport facilities, unahin!

Bilang bahagi ng pagpapalakas sa turismo, inatasan ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. ang mga ahensya ng transportasyon na unahin ang pagpapabuti ng mga pasilidad at serbisyo sa mga paliparan sa bansa.

Bilang bahagi ng pagpapalakas sa turismo, inatasan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang mga ahensya ng transportasyon na unahin ang pagpapabuti ng mga pasilidad at serbisyo sa mga paliparan sa bansa.

Sa naganap na Cabinet meeting sa Malacañang nitong Martes, sinabi ng Pangulo na patuloy ang pamahalaan sa pagsisikap na mapaunlad pa ang turismo ng Pilipinas.

“We have directed our transportation agencies to prioritize the enhancement of our airport facilities,” saad ng Pangulo.

“Our goals are — to make the traveler experience more efficient and comfortable, to boost tourism and to drive significant economic growth for the country,” dagdag pa nito.

Noong Marso, nasaksihan ng Pangulo ang paglagda ng PHP170.6-bilyong PPP agreement sa pagitan ng gobyerno at San Miguel Corporation-led consortium para sa rehabilitasyon ng NAIA.

Samantala, kabilang sa dumalo sa naturang pagpupulong ay sina Finance Secretary Ralph Recto, Socioeconomic Planning Secretary Arsenio Balisacan, Budget Secretary Amenah Pangdandaman, Energy Secretary Raphael Lotilla, Housing Secretary Jerry Acuzar, Public Works and Highways Secretary Manuel Bonoan, Trade Secretary Alfredo Pascual, at Transportation Secretary Jaime Bautista.