PBBM, pag-aaralang mabuti ang mungkahi ng DOH suspindihin muna ang pagtataas ng PhilHealth contribution–PCO

Kung matatandaan, inatasan n ani Marcos ang PhilHealth na suspindihin ang pagtaas ng kontribusyon para sa buong 2023, kahit pa mandato ito ng Republic Act 11223, o ang Universal Healthcare Law.

Tiniyak ng Malacañang na pag-aaralang mabuti ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagtataas sa mga kontribusyon ng mga miyembro ng Philippine Health Insurance Corp.’s (PhilHealth).

“The President is studying the request,” ani Communications Secretary Cheloy Garafil nang tanungin ukol sa rekomendasyon ni Health Secretary Teodoro Herbosa, na aniya’y hiniling niya sa pangulo.

Una nang mungkahi ni Herbosa na suspindihin muna ang 5% pagtaas sa singil ng PhilHealth dahil may “enough money” pa naman ito para patuloy na magbigay ng mga karapatang benepisyo sa mga miyembro nito.

Tinalakay na rin ito ni Herbosa, na Chairperson ng PhilHealth Board of Directors, kasama ang iba pang mga kasapi ng board.

Kung matatandaan, inatasan na ni Marcos ang PhilHealth na suspindihin ang pagtaas ng kontribusyon para sa buong 2023, kahit pa mandato ito ng Republic Act No. 11223, o ang Universal Healthcare Law.

Batay sa naturang batas, tataas ng 0.5% ang singil ng PhilHealth kada taon simula 2021 hanggang unabot ito ng 5% sa 2024 at 2025.

Suportado rin ng Senado ang mungkahi ni Herbosa.