PBBM: Padaliin importation process ng produktong agrikultura

Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. na padaliin ng Department of Agriculture (DA) ang proseso at patakaran sa importasyon ng mga produktong agrikultura.

Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na padaliin ng Department of Agriculture (DA) ang proseso at patakaran sa importasyon ng mga produktong agrikultura.

Sa ilalim ng Administrative Order (AO) No. 20, binigyang-diin ni Marcos na patuloy pa ring nagpapahirap ang administrative constraints at non-tariff barriers dahil nagdudulot ito ng pataas ng presyo ng mga produkto.

“It is imperative to further streamline administrative procedures to foster transparency and predictability of policies on the importation of agricultural products in order to help ensure food security, maintain sufficient supply of agricultural goods in the domestic market, and improve local production,” pahayag ng Pangulo sa kanyang AO.

Dapat umanong makipag-ugnayan ang DA sa Department of Trade and Industry (DTI) o Department of Finance (DOF) upang paigtingin ang mga proseso at kinakailangan sa paglisensya ng mga importer at bawasan ang oras ng pagproseso ng aplikasyon para sa importasyon.