PBBM nilinaw na sadya pangha-harass ng China sa WPS

Hindi lamang protesta at pagpapatawag sa ambassador ng China ang gagawin ni Pangulong Ferdinand “Bongbong" Marcos Jr. matapos ang pagharang ng Chinese Coast Guard sa barko ng Pilipinas sa Ayungin Shoal kung saan naputulan ng daliri ang isang sundalo habang nagsasagawa ng resupply mission sa BRP Sierra Madre noong Hunyo 17.

Hindi lamang protesta at pagpapatawag sa ambassador ng China ang gagawin ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. matapos ang pagharang ng Chinese Coast Guard sa barko ng Pilipinas sa Ayungin Shoal kung saan naputulan ng daliri ang isang sundalo habang nagsasagawa ng resupply mission sa BRP Sierra Madre noong Hunyo 17.

Sa ambush interview sa Manila, sinabi ni Pangulong Marcos na malinaw ang posisyon ng Pilipinas na hindi aksidente o hindi pagkakaintindihan ang nangyari.

Sinadya aniya ng China na harangin ang resupply mission ng Pilipinas.

“But we have to do more than that, so we are doing just that,” pahayag ni Pangulong Marcos.

“It’s not armed. Walang pumutok. Hindi tayo tinutukan ng baril. But it was a deliberate, it was a deliberate action to stop our people. And in the process of that, kinuhanan tayo, they boarded a Philippine vessel and took the equipment from the Philippine vessel. So although there were no arms involved, nonetheless it is still a deliberate action and it is essentially an illegal action that was taken by the Chinese forces,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Ayon sa Pangulo, mahigit 100 protesta na ang inihain ng Pilipinas sa China subalit nagpapatuloy pa rin ang tensyon sa West Philippine Sea.

Ilang beses na rin aniyang ipinatawag ng Department of Foreign Affairs si Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian para malinaw na ilatag sa China ang posisyon ng Pilipinas.