PBBM ngayong Easter Sunday: Mabuhay katulad ni Kristo

Ngayong Easter Sunday, nananawagan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga Pilipino na magbuklod para sa pagbuo ng 'Bagong Pilipinas'.

Ngayong Easter Sunday, nananawagan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga Pilipino na magbuklod para sa pagbuo ng ‘Bagong Pilipinas’.

Sa mensahe ni Marcos sa pagtatapos ng Semana Santa, nagpaalala ito sa mga Katoliko na dapat tularan si Jesus Christ tulad ng pagiging mabuti nito sa mga nangangalilangan.

“Let us draw inspiration from this important narrative as we overcome our personal and spiritual challenges. May this day also excite our hearts to live a Christ-like life, especially in sharing our blessings in whatever form to the poor, the sick and the downtrodden,” ayon kay Marcos.

“Finally, let us unite in praying for the continued guidance of God Almighty in our collective pursuit to build the Bagong Pilipinas that we are destined to achieve. I wish everyone a happy and blessed Easter Sunday,” aniya pa.

Milyon-milyong Katoliko ang nagdiriwang ng Easter Sunday, na sumisimbolo sa muling pagkabuhay ni Hesus.