PBBM nawindang sa ‘secret deal’ ni Duterte sa China: ‘Ano tinatago mo?’

Kinuwestiyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang naging umano'y kasunduan ni ex-President Rodrigo Duterte sa China.

Kinuwestiyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang naging umano’y kasunduan ni ex-President Rodrigo Duterte sa China.

Sa panayam kay Marcos Jr sa Washington D.C., nag-react siya tungkol sa ‘gentleman’s agreement’ ni Duterte sa China pagdating sa pinag-aagawang teritoryo na West Philippine Sea.

“Ano ba ang pinangako ng Duterte administration sa China? Dahil hindi pa natin alam eh kung – ngayon lang pa lang natin talaga – ngayon lang tayo nakakatiyak na mayroon talagang, mayroon pala talagang agreement. Tawag nila is gentleman’s agreement, tawag ko diyan, secret agreement,” ayon kay Marcos.

Aniya, hindi niya maintindihan kung bakit itinago umano sa kanya ni Duterte ang tungkol sa naturang kasunduan.

Wika ni Marcos, dapat ay ipadala sa kanya ni Duterte ang mga dokumento tungkol sa naturang deal para maaral niya ito.

“So send me the materials, personally to me. ‘Wag na sa DOJ, sa DFA, sa akin. Padala n’ya sakin. Marami kaming common na kaibigan. Send them to me. Pag-aralan ko. Mag-usap kami kung gusto n’ya,” lahad ni Marcos.

Sinabi rin ng Pangulo na hindi siya sang-ayon na makipagkasundo nang palihim sa China, lalo’t posibleng maisaalang-alang ang teritoryo ng Pilipinas.

Aniya, dapat ay pinaalam ni Duterte sa iba pang local official ang tungkol sa naturtang deal at pinaratipikahan ito sa mga mambabatas.

“It should be known by the local officials. It should be known by everyone. Because in that way you can… you are accountable. If it’s a bad decision, you’re accountable,” wika ni Marcos.

“Ano ‘yung tinatago mo, bakit di n’yo sinabi, what are you hiding? Why was it secret?” aniya pa.