PBBM, natanggap ang P11-bilyong investment pledge ng Dyson

Maglalagak pa ng karagdagang P11-bilyong puhunan ang Singapore-based na Dyson sa kanilang operasyon sa Pilipinas, ayon kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Natanggap ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang kumpirmasyon ng Singapore-based na kumpanyang Dyson ang dagdag puhunan nito sa kanilang operasyon sa Pilipinas na P11 bilyon sa susunod na dalawang taon.

Nakipagpulong ang Pangulo sa mga opisyal ng Dyson noong Sabado, Setyembre 16, sa Singapore kung saan sinabi rin niya sa mga banyaga na tama ang kanilang pasya sa paglagak ng karagdagang pondo sa bansa.

“So, well, let’s see with all those that we have, that we can do,” sinabi ni Pangulong Marcos sa mga opisyal ng Dyson.

Sinabi ng mga opisyal ng Dyson na proud sila sa kanilang operasyon sa Pilipinas at patuloy nila itong pinalalaki.

“Three, four months ago, we made a decision that we want to further our investment to the Philippines with expanding our presence there and today we only have a factory producing our own electrical motors,” sinabi ni Dyson’s Chief Executive Officer Ronald Krueger sa Pangulo.

“So we have announced a significant investment equivalent of PhP11-billion into the new factory, the new R&D center … and we want to expand also in terms of staff, software, and others that we require over the next two years,” dagdag pa ni Krueger.