PBBM, nasa Brunei para dumalo sa wedding reception ng bagong kasal na si Prince Abdul Mateen

Ang pagdalo ng pangulo sa nasabing seremonya ay patunay lamang sa malakas na ugnayan sa pagitan ng Pilipinas at Brunei, na pormal na nagsimula noong Enero 1, 1984.

Nasa Brunei Darussalam ngayon si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. upang dumalo sa reception para kasal ni Royal Prince of Brunei Prince Abdul Mateen at Yang Mulia Dayang Anisha Rosnah Binti Adam.

Lumipad si Marcos patungong Brunei nitong Sabado ng gabi, Enero 13, sa imbitasyon na rin ni Sultan Hassanal Bolkiah.
Ikinasal si Mateen at Adam noong Huwebes, Enero 11, Sultan Omar Ali Saifuddien Mosque. Subalit tatagal ng 10 araw ang selebrasyon at matatapos sa Enero 16.

Inaasahang isa si Pangulong Marcos sa mga heads of state na dadalo sa naturang reception.

Si Mateen ang ika-10 anak na lalaki ni Sultan Bolkiah at ikaanim na tagapagmana sa sultanato ng Brunei. Si Adam naman ay isang businesswoman na may-ari ng isang kilalang fashion brand at tourism company.

Ang pagdalo ng pangulo sa nasabing seremonya ay patunay lamang sa malakas na ugnayan sa pagitan ng Pilipinas at Brunei, na pormal na nagsimula noong Enero 1, 1984.