PBBM nanindigan: ICC walang hurisdiksyon sa ‘Pinas!

Hindi pa rin kikilalanin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. ang hurisdiksyon ng International Criminal Court (ICC) sa bansa.

Hindi pa rin kikilalanin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. ang hurisdiksyon ng International Criminal Court (ICC) sa bansa.

Ito’y sa kabila ng isang survey kung saan lumantad na 55% ng mga Pilipino ang pabor na makipag-tulungan ang Pilipinas sa ICC upang imbestigahan ang drug war ng Duterte administration.

“It opens a Pandora’s Box. It’s still those questions of jurisdiction and sovereignty. I haven’t yet seen a sufficient answer for it. Until then, I do not recognize their jurisdiction in the Philippines,” wika ni Marcos sa isang ambush interview ngayong Martes.

Aniya, kahit pa magkaroon ng ebidensya ang ICC, hindi pa rin siya papayag na ipasailalim ang Pilipinas sa nasabing korte.

“It’s not about the evidence. It’s about the jurisdiction of the ICC in the Philippines. They could produce as much evidence as they want. But they could not act upon it in the Philippines, that is the point,” dagdag ni Marcos.

Kumalas ang Pilipinas sa ICC noong 2018, sa gitna ng mainit na kritisismo sa war on drugs ni dating pangulong Rodrigo Duterte.