PBBM namudmod P10M ayuda sa mga magsasaka, mangingisda ng Jolo

Personal na iniabot ni Pangulong Bongbong Marcos ang 10 million pesos na halaga ng cash aid sa Provincial Government ng Jolo, Sulu para sa mga mangingisda at magsasaka na pinaka apektado ng El Nino.

Personal na iniabot ni Pangulong Bongbong Marcos ang 10 million pesos na halaga ng cash aid sa Provincial Government ng Jolo, Sulu para sa mga mangingisda at magsasaka na pinaka apektado ng El Nino.

“Nawa’y ang tulong na dala namin ngayon ay magpalakas sa inyong mga kabuhayan at magpatibay pa lalo sa inyo bilang isang lalawigan,” saad ni Pangulong Marcos sa pamamahagi ng financial assistance.

“Hindi namin kayo iiwan sa pagharap sa pagsubok na ito, kaya kami ay [magbabahagi] ng ayuda upang makabangon kayong muli at higit pang mapayabong ang inyong pamumuhay,” dagdag nito.

Batay sa datos ng pamahalaan, nasa 5.3 million ang halaga ng nasirang pananim dahil sa matinding tag-tuyot na naka apekto sa 912 farmers.

Samantala nagpa abot rin ang DSWD ng tig-sampung libong piso sa mahigit limang libong mga mangingisda at magsasaka sa ilalim ng Ayuda sa Kapos ang Kita Program o AKAP.

Ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM-Ministry of Agriculture, Fisheries and Agrarian Reform ay namahagi rin ng farm machineries and equipment mga magsasaka sa Sulu.

Habang ang opisina ni House Speaker Martin Romualdez ay namigay ng tig-limang kilong bigas sa mga dumalo.