PBBM namigay ng lupa sa mga magsasaka sa Mindanao

Tinupad ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. ang pangarap ng kanyang amang si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. na bigyan ng sariling lupa ang mga magsasaka sa bansa.

Tinupad ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pangarap ng kanyang amang si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. na bigyan ng sariling lupa ang mga magsasaka sa bansa.

Ito ay matapos ipamahagi ni Pangulong Marcos ang may 2,566 land titles kung saan saklaw nito ang halos 3,000 ektarya.

Nasa 2,857 Agrarian Reform Beneficiaries (ARBs) mula sa mga probinsya ng Bukidnon, Camiguin, Lanao del Norte, Misamis Occidental at Misamis Oriental ang nabigyan ng titulo ng lupa.

Sa talumpati ni Pangulong Marcos sa Tubod, Lanao del Norte, sinabi nito na hindi sapat na titulo lamang ang ibigay sa mga magsasaka.

Kaya naman, namahagi rin ang Pangulo ng farm machineries at equipment (FME) na nagkakahalaga ng P2.6 milyon sa pitong Agrarian Reform Beneficiary Organizations (ARBOs).

“Hindi po kami napapagod sa pag-iisip ng mga proyekto at programang [magtataguyod sa] inyong kapakanan,” dagdag ng Pangulo.

“Ito ay katuparan ng aming pangako na suyurin ang buong bansa — ang bawat lalawigan— upang palakasin ang hanay ng ating mga magsasaka,” dagdag ng Pangulo.

Pakiusap ni Pangulong Marcos sa mga magsasaka, aalagaan at palaguin ang ayudang bigay ng gobyerno

“Ang hiling ko lang ay ang inyong maayos at produktibong paggamit ng mga natanggap at matatanggap pa na serbisyo mula sa pamahalaan, at ang inyong taos-pusong suporta sa ating mga layunin at mga hakbang para mabuo ang isang Bagong Pilipinas,” dagdag ng Pangulo.