PBBM nakikanta sa Konsyerto sa Palasyo

Nakikanta si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa awiting "Be My Lady" ni Filipino music icon Martin Nieverra sa Konsyerto sa Palasyo nitong Linggo, Hunyo 30.

Nakikanta si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa awiting “Be My Lady” ni Filipino music icon Martin Nieverra sa Konsyerto sa Palasyo nitong Linggo, Hunyo 30.

Hiniyawan naman ng mga dumalo, kasama ni First Lady Liza-Araneta Marcos ang ginawang pagkanta ng pangulo na makikitang medyo nahihiya pa at nangingiti habang sinasabayan ni Nieverra na mangharana.

Ang unang Konsyerto sa Palasyo ngayong taon at ang ikaapat sa kabuuang concert series ay alay sa mga healthcare workers.

Kasama sa mga kinilala sa pagdiriwang ay mga Filipino nurses sa United Kingdom (UK): Xyza Macutay-Malloch, Louie Horne and Charito Leonardo-Romano, na mga tumanggap ng British Empire Medal (BEM).

Dinaluhan din ng mga health workers sa iba’t ibang panig ng bansa ang nasabing pagdiriwang kung saan hangad nila na makita ang pangulo at maihatid sa palasyo ang hiling ng mga manggagawa sa healthcare industry sa kanilang mga lugar.

Video by: RTVM