PBBM: Nakamit ang hustisya sa pagpaslang kay OFW Jullebee Ranara

Nagpasalamat si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Department of Migrant Workers at sa Philippine Embassy sa Kuwait matapos mahatulan ng guilty ang suspek sa pagpatay sa OFW na si Jullebee Ranara.

Pinuri ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Department of Migrant Workers (DMW) at Philippine Embassy sa Kuwait sa kanilang pinagsamang trabaho para makamit ang hustisya sa pagpatay sa OFW na si Jullebee Ranara, na ginahasa at pinatay ng isang menor de edad ng Kuwaiti national.

Nagpasalamat rin ang Pangulo sa mga awtoridad sa Kuwait sa kanilang mabilis na pagtugon sa hiling ng gobyerno na lutasin at panagutin sa kanilang batas ang suspek sa krimen na si Turki Ayed Al-Azmi, 17 na taong gulang.

“I commend the Philippine Embassy in Kuwait, the Department of Migrant Workers, and the Kuwaiti Authorities for their continued pursuit of justice for our OFW, Jullebee Ranara. We hope that the appeal process will be conducted fairly, and justice will be served accordingly,” sinabi ng Pangulong Marcos sa kanyang social media nitong Biyernes, Setyembre 15.

“I take comfort in thinking that Toots (the late DMW Secretary Susan “Toots” Ople) and Jullebee are looking down from heaven with smiles. Their legacy serves as a reminder of our duty to protect and support our fellow countrymen, regardless of where in the world they may be,” dagdag pa nito.

Sinentensyahan ng Kuwaiti court si Al-Azmi na mabilanggo ng 15 na taon para sa pagpatay kay Ranara, at isa pang taong pagkakakulong para sa pagmamaneho ng walang lisensya.

Natagpuang ang sunog na bangkay ni Ranara sa desyerto noong Enero 21 at biyak ang kanyang ulo. Buntis siya nang matagpuan ang kanyang bangkay, ayon sa autopsy na isinagawa rito.