PBBM nakalapag na sa Melbourne para sa ASEAN-Australia Special Summit

Nakarating na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Melbourne, Australia nitong Linggo ng gabi.

Nakarating na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Melbourne, Australia nitong Linggo ng gabi.

Sinalubong ang Pangulo ng ilang government official Australia noong dumating ito bandang alas-7:15 ng gabi, oras sa Australia.

Kasama ni Marcos sa Melbourne si First Lady Liza Araneta-Marcos at mga delegate ng bansa para sa ASEAN-Australia Special Summit.

Inaasahan na makipagkita si Marcos sa ilang global leader tulad nina New Zealand Prime Minister Christopher Mark Luzon, at Cambodia Prime Minister Hun Manet.

Target din ng Pangulo na pagtibayin ang relasyon ng Pilipinas at Australia. Kukumustahin din ni Marcos ang Pinoy community sa Australia.

Nasa lampas 400,000 na dugong Pinoy ang nakatira sa Australia.