PBBM nais magtayo ng pharma zones

Ang Pharma-zones ay kahalintulad ng ecozones na nasa ilalim ng Philippine Economic Zone Authority (PEZA) kung saan nakatatanggap ng insentibo ang mga investors.

Inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang mga health official sa pag-aralan ang pagbubuo ng isang pharmaceutical economic zones o “pharma-zones.”

Layon nitong mapababa ang presyo ng gamot sa bansa at magkaroon ng episyenteng regulatory process.

Sa sectoral meeting sa Malacanang, sinabi ni Marcos na magbibigay daan ito para magkaroon ng sapat na supply ng generic drugs at mas murang gamot.

“Pharma-zones should reduce prices. For the moment, ‘yung mga critical sa atin ngayon, we are hoping to follow the one that has been introduced in India, for example, naibaba talaga nila ‘yung presyo ng kanilang drugs at saka nakapag-export pa sila,” sinabi ng Pangulo sa pulong.

Bubuksan ito hindi lamang sa lokal na negosyante kundi maging sa mga foreign investor.

“We are talking to foreign, hopefully foreign investors, but we are also talking to the locals. My theory here is that, at the very least, we provide the locals and the foreign investors with an equal playing field. We give everyone a chance to do that. To do whatever they want. But now, it’s not really regulated,”

Dumalo sa pulong sina Executive Secretary Lucas Bersamin, Health Secretary Teodoro Herbosa, Budget Secretary Amenah Pangandaman, Special Assistant to the President Antonio Lagdameo, Chief Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile, Special Assistant to the President for Investment and Economic Affairs Frederick Go, Director General Samuel Zacate ng Food and Drugs Administration and Director General Ernesto Perez ng Anti-Red Tape Authority.

Ang Pharma-zones ay kahalintulad ng ecozones na nasa ilalim ng Philippine Economic Zone Authority (PEZA) kung saan nakatatanggap ng insentibo ang mga investors.