PBBM nais ikandado ‘Pinas sa pagpasok ng smuggled vape, tobacco

Inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Bureau of Customs (BOC) at Bureau of Internal Revenue (BIR) na higpitan ang seguridad ng bansa upang 'di makapasok ang mga smuggled na vape at tobacco.

Inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Bureau of Customs (BOC) at Bureau of Internal Revenue (BIR) na higpitan ang seguridad ng bansa upang ‘di makapasok ang mga smuggled na vape at tobacco.

“Enforcement and anti-smuggling and all that. You really have to beef them up and I think we’re doing that,” pahayag ng pangulo sa news release ng Presidential Communications Office (PCO).

“There will be [more efforts] with the Bureau of Customs and BIR so that we can improve performance with that regard,” wika pa ni Marcos.

Samantala, tiniyak naman ni Special Assistant to the President on Economic and Economic Affairs Frederick Go na maging ang Department of Trade and Industry (DTI) Consumer Protection Group ay nakatutok sa industriya ng vape sa bansa.

Ayon naman kay BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr., ang ahensya ay itinodo ang kanilang pagbabantay sa mga smuggled na produkong vape. Bukod pa rito, ilalarga umano nila ang isang sistema upang maipagbawal ang mga ilegal na vape sa merkado.