PBBM nagpaalala sa motorista: Sumunod sa traffic rules

Puspusan ang adminitrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para masolusyunan ang problema sa trapiko sa Metro Manila.

Puspusan ang adminitrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para masolusyunan ang problema sa trapiko sa Metro Manila.

Ngunit ayon sa Pangulo nitong Linggo, magiging epektibo lamang ang kanilang mga hakbang kung mayroon ding disiplina ang mga motorista sa kalsada.

“Pero ang higit na kakulangan nating mga Pilipino sa daan ay ‘disiplina.’ Dapat susunod tayo sa traffic rules. Para tayong mauubusan lagi ng kalye. May bago mang kalye, kung luma pa rin ang ugali ay wala pa rin,” pahayag nito sa kanyang vlog.

Aniya, dapat ay magbigayan sa kalsada at iwasan ang paghahari-harian sa daan, dahil ang simbolo umano ng ‘bagong Pilipino’ ay disiplinado sa kalye.

“Ang pagbibigayan sa daan ay kailangan nating ipaalala sa bawat isa. Sa ating mga sarili. Ang ‘Bagong Pilipino’ ay disiplinado sa kalye; sumusunod sa batas trapiko; nagbibigay sa kapwa; at higit sa lahat, hindi naghahari-harian sa daan,” saad pa nito.

Paalala pa ni Pangulong Marcos sa mga empleyado ng gobyerno at lahat ng iba pang kawani ng publiko ay dapat maging magandang halimbawa ng disiplinadong mga motorista.

“Ang pag-aabuso at pagbalewala sa batas trapiko ay hindi pribileheyo na kasama sa sinumpaan naming mga lingkod bayan. Pangungunahan ng pamahalaan at lahat ng mga ahensya nito ang pagiging displinado sa ating mga lansangan,” dagdag pa nito.

PANOORI: