PBBM nagpaabot ng pagbati sa bagong PM ng UK

Kabilang si Pangulong Bongbong Marcos sa mga world leaders na nagpaabot ng pagbati sa bagong halal na Prime Minister ng United Kingdom na si Kier Starmer.

Kabilang si Pangulong Bongbong Marcos sa mga world leaders na nagpaabot ng pagbati sa bagong halal na Prime Minister ng United Kingdom na si Kier Starmer.

Sa kanyang X account, sinabi ng Pangulo na sa ngalan ng mg Pilipino, ipinapaabot nito ang pagbati para sa labour party at kay Starmer.

“On behalf of the Philippines, I extend my warmest congratulations to the Labour Party and @Keir_Starmer” saad ng Pangulo sa kanyang X account.

Hangad anya ng Pangulo ang tagumpay ng pamumuno ng bagong Prime Minister.

Umaasa rin ang Punong Ehekutibo na higit pa nitong palakasin ang ugnayan ng Pilipinas at UK.

“We wish the new government success and look forward to further strengthening our deep and longstanding ties.”