PBBM naging produktibo pagbisita sa Germany, Czech Republic

Sinabi ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. na nanging produktibo ang kanyang pagbisita sa Germany at Czech Republic nitong mga nakaraang araw.

Sinabi ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na nanging produktibo ang kanyang pagbisita sa Germany at Czech Republic nitong mga nakaraang araw.

Ito ay dahil umano nakasama niya sa pagpupulong ang dalawang Presidente ng bansa.

Napag-usapan kasi umano dito ang upang palakasin ang ugnayan ng Pilipinas sa dalawang bansa, lalo na ukol sa kalakalan at investment.

Ang pangulo ay nakakuha ng kabuuang halaga na $4 bilyon na halaga sa pamamagitan ng memorandum of understanding (MOU).

Layon nito na mapagtibay ang kalakalan at pamumuhunan, lalo na sa mga sektor ng renewable energy, manufacturing, innovation at startups, IT-BPM, minerals processing, agrikultura, space, at aerospace.