PBBM nagdadasal maligtas Pinas sa La Ñina

Siniguro ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa harap ng mga Boholano nitong Hunyo 28 na handa ang pamahalaan sa mga sakuna sa pagpasok ng La Niña sa bansa.

Siniguro ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa harap ng mga Boholano nitong Hunyo 28 na handa ang pamahalaan sa mga sakuna sa pagpasok ng La Niña sa bansa.

Ayon kay Marcos, nagkapaglaan na ng pondo ang gobyerno para sa mga food packs, relief operation material at iba pang ayuda upang suporta sa mga Pilipinong makakaranas ng kalamidad sa mga susunod na buwan

Hinimok din niya ang pakiisa ng mga lokal na ahensya sa inisyatibo ng nasyonal na pamahalaan.

“Sa mga pinuno ng mga ahensiya nasyonal at lokal, hinihiling ko ang inyong pakikiisa upang makamit natin ang hangarin na walang maiiwan sa paglalakbay tungo sa mas maliwanag at maunlad na bukas,” sabi ng pangulo.

Umaasa rin si Marcos na sana’y walang malakas na kalamidad ang tumama sa bansa sa gitna ng La Ñina.

Bagama’t handa ang gobyerno, panalangin ni Marcos ang maayos at ligtas na pamumuhay ng mga Pilipino sa kakaharaping mga pagsubok sa pagtatapos ng taon.