PBBM muling itinalaga asawa ni Teodoro bilang special envoy sa UNICEF

Muling itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Monica Louise "Nikki" Prieto-Teodoro, may-bahay ni Defense Secretary Gilbert Teodoro Jr., bilang special envoy sa United Nations Children’s Fund (UNICEF).

Muling itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Monica Louise “Nikki” Prieto-Teodoro, may-bahay ni Defense Secretary Gilbert Teodoro Jr., bilang special envoy sa United Nations Children’s Fund (UNICEF).

Ito ang ikalawang pagkakataon na pinadala bilang president’s special envoy si Teodoro sa UNICEF.

Una siyang nanungkulan nitong August noong nakaraang taon at naging special envoy sa UNICEF na rin sa ilalim ng administrationg Duterte noong 2017 – 2018.

Kilala bilang child rights advocate si Teodoro, na minsan na ring naghain ng mga batas na may kinalaman sa karapatan ng mga bata nang siya ay naging mambabatas mula sa Tarlac.

Ang UNICEF ay nangungunang ahensya sa mundo na may layuning protektahan ang karapatan ng mga bata, lalo na ang mga mahihirap at mga nasa panganib.