PBBM, muling isinulong ang paggawad sa Timor Leste ng full membership sa ASEAN

Muling nagpahayag ng buong suporta si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa paggawad ng Association of the Southeast Asian Nations (ASEAN) ng full membership sa Timor Leste

Nagpahayag ng suporta si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa paghangad na full membership ng Timor Leste sa Association of the Southeast Asian Nations (ASEAN).

“I also would like to welcome the Prime Minister of Timor Leste, Prime Minister Xanana Gusmão. And allow me to express once again the continuing support of the Philippines for your eventual full membership in ASEAN,” ani Marcos sa plenaryo ng ika-43 ASEAN Summit sa Jakarta, Indonesia.

Matagal nang hinahangad ng bansa ang full membership nito sa ASEAN, ngunit hindi pa rin nabubuo ang consensus ukol dito ng samahan. Kinakailangan kasing magkasundo ang lahat ng miyembro ng ASEAN bago papasukin ang anumang bagong miyembro ng samahan ng mga bansa sa Timog Kanlurang Asya.

Simula 2015, isinulong na ng Pilipinas ang aplikasyon ng Timor Leste sa ASEAN at maging ika-11 ito na miyembrong estado sa samahan.

Nag-deklara ng kalayaan mula sa Indonesia ang Timor Leste noong 2002. Matagal na kolonya ng Portugal ang lugar bago pumasok ang Indonesia doon noong 1975.

Noong 2022, pinayagan ng mga lider ng ASEAN na sumama sa grupo sa paggawad nito ng observer status sa Timor Leste. Ibig sabihin nito, maaaring sumama ang delegasyon ng Timor Leste sa mga meeting at summit sessions ng ASEAN.