PBBM minadali pagkuha ng bagong DepEd secretary

May napipisil na si Pangulong Ferdinand 'Bongbong' Marcos Jr. na bagong kalihim ng Department of Education kapalit ng nagbitiw na si Vice President Sara Duterte.

May napipisil na si Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. na bagong kalihim ng Department of Education kapalit ng nagbitiw na si Vice President Sara Duterte.

Sa ambush interview sa Manila, sinabi ni Pangulong Marcos na hindi na dapat na iwang bakante ang DepEd dahil napakalahagang departamento ito.

“I will probably be able to, I would like to be able to announce the appointment of the DepEd Secretary by the end of the week,” pahayag ni Pangulong Marcos.

“Bakit kayo nagugulat? We cannot leave it open. Importante yung trabaho nila. We cannot just leave it like that na nakatiwangwang na walang secretary. Kayat minamadali ko lahat. Bigyan niyo ko maraming pangalan, ano gusto natin, what do we need tingnan natin ng mabuti where is the status of the DepEd, what is now required? Ano pa ba ‘yung kailangan gawin? So what do we need? Do we need an educator? Do we need an administrator,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Ayon sa Pangulo, wala namang ibinigay na rason si Duterte sa pagbibitiw sa puwesto bilang kalihim ng DepEd at pagiging vice chairman ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

“She said ‘wag nalang natin pag-usapan’ so I did not force the issue. Well we have to carry on and the Department of Education is quite possibly, arguably the most important education because education is that important so no matter the change of leadership in the department, we still have to carry on,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Hunyo 19 nang maghain ng resignation letter si Duterte kay Pangulong Marcos. Magiging epektibo ito sa Hulyo 19, 2024.