PBBM: Mga Marcos, Aquinos okay ang samahan, pwera sa politika

"We’ve always been okay. We just dont agree politically."

“We’ve always been okay. We just dont agree politically.”

Pahayag ito Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa tanong kung maayos na ang relasyon ng kanyang pamilya at ng pamilya ni dating Pangulong Corazon Aquino.

Ayon kay Pangulong Marcos, nasa magkaibang bakod sa pulitika ang dalawang pamilya hanggang sa maupos a puwesto si dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III.

Una rito, nag-post ng litrato sa Instagram si First Lady Liza Marcos sa pagbisita ng mga anak ni Kris Aquino na sina Bimby at Joshua.

Kaya aniya binisita nina Bimby at Joshua si First Lady Liza dahil humingi ng tulong si Kris.

Bukod dito, magkamag-anak aniya sina First Lady Liza at pamilya ni Kris.

“The reason na pinuntahan nila si First Lady ay simple lamang. I think it was Kris Aquino who needed some assistance for something,” pahayag ni Pangulong Marcos.

“What the reports did not say is Liza is their aunts dahil ang kaniyang auntie ay napangasawa, the eldest brother of Cory kaya very related. Kaya hindi nakakapagtaka na kilalang kilala niya yung mga pamangkin niya very well,” pahayag ni Pangulong Marcos.

May dala aniyang pasalubong sina Bimby at Joshua kay First Lady Liza.

“It was just to help them for their travel arrangements. Tumulong si First Lady at yun lang. Sabi lang magpapasalamat sila,” pahayag ni Pangulong Marcos.

“I think it’s a very fine gesture on the part of the Aquino family. I think it sort of put a little more personal, a human interaction between our families,” pahayag ni Pangulong Marcos.