PBBM, maglalaan ng malaking pondo para isulong ang teknolihiya at inobasyon

Naniniwala ang pamahalaan na susi sa magandang ekonomiya ang teknolohiya at inobasyon, kaya naman inatasan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Department of Budget and Management na bigyan ng malaking pondo ang sektor na ito.

Popondohan ng malaki ng gobyerno ni Ferdinand R. Marcos Jr. ang teknolihiya at inobasyon.

Sinabi ng Department of Budget and Management (DBM) nitong Martes, Oktubre 10, na sa ilalim ng 2024 National Expenditure Program, P25.94 bilyon ang mapupunta sa Department of Science and Technology (DOST), kasama pa ng P8.23 bilyon para sa Grants-in-Aid Program. Samantala, P3.61 bilyon naman ang nakalaan para isulong ang National Science and Technology Agenda, kabilang na ang Science for Change and Small Enterprise Technology Upgrading Programs.

Ayon pa sa DBM, magbibigay rin ang pamahalaan ng P1.33 bilyon para sa research and development ng mga state universities at colleges.

Paliwanag ni DBM Secretary Amenah Pangandaman, inobasyon ang isa sa mga susi sa socioeconomic transformation agenda ng Philippine Development Plan (PDP) 2023–2028. Kanya naman ipinag-utos ng pangulo na pondohan ng malaki ang teknolihiya at inobasyon.

Matatandaan rin na nagpahayag na ng suporta ang DBM sa digitalization ng gobyerno, isang inisyatibo na isinusulong rin ni Marcos.