PBBM, lumapag na sa Germany para sa kanyang 3-day working visit

Nakarating na si Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. sa Germany para sa kanyang 3-day working visit.

Nakarating na si Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. sa Germany para sa kanyang 3-day working visit.

Lumapag ang Presidential plane ng Pangulo at iba pang delegado sa Brandenburg International Airport sa Berlin 9:49 pm local time (4:49 am Martes sa Maynila).

Sinalubong sila ni Philippine Ambassador to Germany Irene Susan Natividad at iba pang tauhan ng Philippine Embassy sa Berlin.

Inaasahang makikipagpulong si Marcos kay German Chancellor Olaf Scholz kung saan sila pipirma sa ilang mga kasunduan.

Kabilang dito ang Joint Declaration of Intent on Strengthening Maritime Cooperation at Cooperation Programme sa pagitan ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) at Federal Institute for Vocational Education and Training (BIBB).

Haharapin din ng Pangulo ang Filipino community sa Berlin.

Pagtapos ng Germany, bibisitahin naman ni Marcos ang Czech Republic para sa isang 2-day state visit.