PBBM lilipad pa-Australia

Bibisitahin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. ang Australia at makikipag-dayalogo sa mga leader nito upang palakasin ang pakikipag-ugnayan ng Pilipinas.

Bibisitahin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. ang Australia at makikipag-dayalogo sa mga leader nito upang palakasin ang pakikipag-ugnayan ng Pilipinas.

Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), tutulak pa-Australia si PBBM mula Feb. 28 hanggang Feb. 29.

Senteo ng pagbisita ng pangulo ang Strategic Partnership ng Pilipinas at Australia na pinirmahan noong Setyembre ng nakaraang taon nang bisitahin ni Australian Prime Minister Anthony Albanese ang bansa.

Makikipagpulong din si Marcos sa mga senior officials ng Australia sa larangan ng defense at komersyo.