PBBM, laglag-panga sa kapayapaan sa Basilan

Pinuri ng Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang mga mamamayan ng Basilan sa kanilang mga hakbang na isinagawa tungo sa pagtatamo nila ng kapayapaan sa kanilang lugar.

Pinuri ng Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang mga mamamayan ng Basilan sa kanilang mga hakbang na isinagawa tungo sa pagtatamo nila ng kapayapaan sa kanilang lugar.

Ngayong Sabado ay bumisita ang pangulo sa naturang lalawigan upang saksihan ang pagsira sa 400 armas na isinuko ng mga dating rebelde. Bukod pa rito, pinangunahan ni Marcos ang pamamahagi ng tulong sa mga dating kalaban ng militar.

“Our presence in today’s event reaffirms the truth that what was once a Ground Zero of war, is now turned into an epicenter of peace,” pahayag ni Marcos sa kanyang talumpati.

“A province that was once tainted by violence and terrorism is now a zone of peace, made possible not by military might alone but more so by a people saying no to violence.”

Ayon pa kay Marcos, ang pagkakamit ng kapayapaan ay nagawa sapagkat hindi hinayaan ng mga taga-Basilan na magtagumpay ang karahasan.

“Like its ancestors who fended off colonizers, the Yakans, Tausugs, and Chavakanos repudiated modern-day terrorism that was trying to enslave them by enchanting them with lies,” anang pangulo.

“Attacked and threatened, the people of Basilan stood their ground, again and again and again. They never ceded their communities— never surrendered their future to an ideology that clashes with the values they hold dear,” dugtong pa niya.