PBBM: Laban sa mga terorista magpapatuloy!

Nangako si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na magpapatuloy ang kampanya ng pamahalaan kontra mga terorista.

Nangako si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na magpapatuloy ang kampanya ng pamahalaan kontra mga terorista.

Ito ay kasunod ng pagkasawi ng anim na sundalo sa Lanao del Norte matapos makabakbakan ang Dawlah Islamiyah-Maute Group.

Sa kanyang vlog nitong Linggo, nangako rin ang pangulo na susuportahan ang mga naiwang mahal sa buhay ng mga bayaning sundalo.

“Hindi natin makakalimutan ang kanilang kadakilaan at kabayanihan. Ipagpapatuloy natin ang kanilang ipinaglaban, at uusigin natin ang mga kalaban ng kapayapaan,” ani Marcos.

“Ipinapangako natin sa kanilang mga mahal sa buhay, at sa sambayanang Pilipino, na ating ipadarama sa kanilang mga na-ulila, ang pagmamahal at pagkikilala ng pamahalaan sa kanilang nagawang sakripisyo,” dagdag pa niya.