PBBM kinantyawan misis ni Bong Revilla: ‘Naging caregiver ka!’

Hinaluan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng kaunting biro ang makasaysayang alyansa ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP) at Lakas-Christian Muslim Democrats (CMD) ngayong Miyerkoles.

Hinaluan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng kaunting biro ang makasaysayang alyansa ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP) at Lakas-Christian Muslim Democrats (CMD) ngayong Miyerkoles.

Sa kanyang talumpati, biniro ni Marcos si Cavite Rep. Lani Mercado-Revilla, ang maybahay ni Senador Bong Revilla na siyang chairman ng Lakas-CMD.

“I was teasing Cong. Lani, sabi ko sa kaniya, ‘Akala mo napangasawa mo action star, ngayon naging caregiver ka,’” biro ng pangulo, na sinalubong ng tawanan ng mga dumalo sa pagtitipon.

Ang kantyaw ni Marcos ay kaugnay sa pilay na tinamo ni Revilla habang nasa shooting ng pelikula niyang ‘Alyas Pogi’.

Achilles injury ang natamo ng senador kaya’t dumalo siya sa naturang event nang naka-saklay.

Bago maging senador, sumikat si Revilla sa pagiging action star.