PBBM kay Quiboloy: Magpakita ka!

Hamon ito ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Jr. kay Kingdom of Jesus Christ founder Pastor Apollo Quiboloy matapos kwestyunin ang pagtanggap ng Department of the Interior and Local Government sa P10 milyong pabuya mula sa pribadong indibidwal.

Hamon ito ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Jr. kay Kingdom of Jesus Christ founder Pastor Apollo Quiboloy matapos kwestyunin ang pagtanggap ng Department of the Interior and Local Government sa P10 milyong pabuya mula sa pribadong indibidwal.

Sa ambush interview sa Montalban, Rizal, sinabi ni Pangulong Marcos na walang masama sa pagtanggap ng pabuya.

“Bakit hindi? They want to help us bring a fugitive to justice. He is a fugitive. He is hiding from the law,” pahayag ni Pangulong Marcos.

“If there are private citizens who want to assist the government in that effort to bring him to justice, I don’t see why it is [an issue],” pahayag ni Pangulong Marcos.

Kinuwestyun din ni Pangulong Marcos kung ano ang motibo ni Quiboloy.

“He can question their motives as much as he wants pero magpakita siya. I question his motives Let me question his motive
Bakit kami laging kinukuwestyon? Sinusundan lang namin ang batas. Sundin din niya ang batas,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Una nang nagpalabas ng warrant of arrest ang korte sa Davao laban kay Quiboloy dahil sa kasong sex trafficking, child abuse at iba pa.