PBBM kay Angara: Tutukan feeding program ng mga estudyante

Inatasan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. si incoming Education Secretary Sonny Angara na tutukan ang feeding program sa mga batang estudyante.

Inatasan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. si incoming Education Secretary Sonny Angara na tutukan ang feeding program sa mga batang estudyante.

Sa ambush interview sa Sulu, sinabi ni Pangulong Marcos na marami pa rin kasi ngayon sa mga estudyante ang mga bansot.

“And then we are beefing up also the feeding program. Kasi yung stunting, problema pa rin sa mga eskwela natin, sa estudyante natin. So DepEd has so many aspects to it,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Bukod sa mga batang bansot, pinatutukan din ni Pangulong Marcos kay Angara ang kasaysayan ng Pilipinas.

“The one thing I asked of him was to please teach our children Philippine history. Because I have seen my children’s workbooks and there’s very little said about the history of the Philippines,” pahayag ni Angara.

“And that’s the one thing that I asked of him. That’s in the curriculum. We will also simplify the curriculum,” dagdag ng Pangulo.

Nais ni Pangulong Marcos na maintindihan ng mga bata ang mga basic na pagbasa, math, at iba pa.

“We go back to make sure that everybody understands the basics. Because marami pang hindi– nasa grade 5 na, nasa grade 6 na, mahina pang basa, mabagal. At saka yung mga simple na mathematics na exam hindi nila kayang gawin. So yun ang kailangan talaga. Basics. We have to go back to basics. Great deal more. But I could talk about this for a long time. But those are the highlights of what we spoke about,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Pinaalagaan din ni Pangulong Marcos kay Angara ang pinansyal na aspeto ng mga guro para masigurong maayos na napakakain nito ang kanilang mga pamilya.

“Kasi we tend to forget sometimes that teachers are families. We see them just as teachers. They have families and they have to take care of their families. And they cannot teach properly pag inaalala nila ‘yung pamilya nila, so we have to ensure that they’re in a good place So that the teachers can concentrate on actual teaching. The other part of it is non-financial – is the retraining, Because ang bilis ng development lalo sa technology na within 1-2 years obsolete na. Kailangan turuan natin ulit So that’s what we will do. We will beef up that part of it,” pahayag ni Pangulong Marcos.