PBBM: Kahit saan ka tumingin sa ‘Pinas, maganda!

"Maganda talaga ang Pilipinas. Kahit saan ka tumingin, maganda.” It ang naging pahayag ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. sa kanyang talumpati sa nahing launching ng bagong Tourist Rest Area sa kanyang hometown na Ilocos Norte ngayong Biyernes.

“Maganda talaga ang Pilipinas. Kahit saan ka tumingin, maganda.”

It ang naging pahayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa kanyang talumpati sa nahing launching ng bagong Tourist Rest Area sa kanyang hometown na Ilocos Norte ngayong Biyernes.

Plano ng Pangulo na i-reassess at i-promote ang mga dive destinations sa Region 1, tulad ng Pagudpud, Badoc, at Currimao. Aniya, ang Secretary na taga-Cebu, isang kilalang dive destination, ay perpektong proponent para dito.

Hinihikayat din niya ang LGUs, DOT, at DENR upang na magtulungan upang mapangalagaan ang mga protected areas, partikular na ang Kalbario-Patapat Natural Park.

Dine-develop ang Ilocos at Pangasinan Regional Historical Trail upang mapreserba at mapahalagahan ang cultural legacy ng Ilocos Norte.

Nagtayo na ng karagdagang pasilidad upang makapag-accommodate ng mas maraming bisita sa probinsya.

“Walang lugar sa Pilipinas na hindi maganda. Ito ang ating puhunan, kaya dapat natin itong pagyamanin,” pagtatapos ni PBBM. Tunay ngang napakaganda ng Pilipinas, at ito ang dapat nating ipagmalaki sa buong mundo.