PBBM, isusulong pa rin ang mahinahong diskusyon sa usapin ng teritoryo sa South China Sea

Umaasa si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na pananatilihin ang mahinahon na diskusyon sa usapin ng teritoryo sa South China Sea.

Mas nanaisin pa rin ng Pilipinas ang mapayapang resolusyon sa usapin ng teritoryo sa South China Sea, ayon kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Kasabay nito, hinikayat rin ng Pangulo ang buong hanay ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) na huwag magpapadala ng basta-basta sa ibang bansa.

“The challenge for us remains: that we should never allow the international order to be subjected to the forces of might applied for a hegemonic ambition,” ani Marcos habang kausap ang mga lider sa ika-43 ASEAN Summit Retreat noong Martes, Setyembre 5 sa Jakarta, Indonesia.

“History will ultimately judge whether the supremacy of the rule of law prevails, ushering in an era where all nations truly stand as equals, independent and unswayed by any single power,” dagdag pa niya.

Kabilang ang Pilipinas sa mga bansa sa rehiyon na apektado sa pagkamkam ng China sa kabuuan ng South China Sea. Nanalo na ang Pilipinas sa usapin ng teritoryo laban sa China nang magpasya ang Permanent Court of Arbitration na panatilihin ang claim nito sa kanyang exclusive economic zone.

Patuloy na igigiit ni Marcos ang karapatan ng Pilipinas sa West Philippine Sea at hihikayatin pa rin ang ibang karatig bansa sa dagat na panatilihin ang rules-based international order.

“The Philippines firmly rejects misleading narratives that frame the disputes in the South China Sea solely through the lens of strategic competition between two powerful countries. This not only denies us of our independence and agency but also disregards our own legitimate interests,” aniya.

“We therefore seek your support for the operationalization of practical measures such as the ADMM (ASEAN Defence Ministers’ Meeting) Guidelines for Maritime Interaction, which we envision will be expanded to our external partners in due time,” patuloy ni Marcos.