PBBM: Isumbong sa awtoridad ang mga di susunod sa takdang presyo ng bigas

Hinikayat ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang publiko na isumbong sa mga awtoridad ang mga nagbebenta ng bigas na di sumusunod sa itinakdang presyo nito.

Hinikayat ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang publiko na isumbong sa mga awtoridad ang mga nagbebenta ng bigas na di sumusunod sa itinakdang presyo nito.

“I would encourage anyone who finds that someone or retailer is selling at above the price ceiling, i-report po ninyo. I-report po ninyo sa pulis, i-report po ninyo sa DA (Department of Agriculture) doon sa lugar ninyo, i-report ninyo sa local government para matingnan po namin,” aniya sa panayam ng mga mamamahayag sa Palawan, kung saan dumalo ang Pangulo sa mga magkakasunod na tagpo.

Ipinalabas ni Marcos ang Executive Order No. 39 na nagtakda ng presyo ng bigas sa P41 kada kilo ng regular milled rice at P45 kada kilo ng well-milled rice. Bahagi ang pagtakda ng presyo ng bigas sa mga rekomendasyon ng Department of Agriculture (DA) and Department of Trade and Industry (DTI) upang kontrahin ang umaalagwang presyo nito kamakailan.

Iginiit ng pangulo na tanging sa Metro Manila lamang na-oobserbahan na mataas ang presyo ng bigas, at hind isa ibang mga lugar at probinsya.

“The real problem is in NCR. it’s not so bad outside Manila, Metro Manila… that’s why maybe we will be focusing our efforts in Metro Manila,” aniya.

Ayon sa kautusan, inatasan ang DA at DTI na siguruhin ang tama at mahigpit na pagpapatupad ng price ceilings, kasama na rin ang pag-monitor at pag-imbestiga sa mga di pangkaraniwang paggalaw ng presyo ng bigas.

Inatasan rin ang Department of the Interior and Local Government na tulungan ang DA at DTI sa pagbantay ng presyo ng bigas.