PBBM ipinangako: Pamahalaan magkakaisa kontra El Niño

Binigyang-diin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kahalagahan ng pagkakaisa upang harapin ang mga hamon na dulot ng El Niño.

Binigyang-diin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kahalagahan ng pagkakaisa upang harapin ang mga hamon na dulot ng El Niño.

Ipinangako ng Pangulo na gagawin ng kanyang administrasyon ang lahat ng hakbang upang walang maiwan sa pagbangon laban sa El Niño.

Nito lang, nagpamahagi si Pangulong Marcos ng P100 milyong ayuda sa probinsya ng Sultan Kudarat at Cotabato para sa mga magsasaka at mangingisda na naapektuhan ng tag-init.

“Mayroon tayong isang matinding kalabang kinakaharap ngayon, ang El Niño. Dito kailangan [ang] ating mas pina-igting [na] pagkakaisa upang tayo ay manaig at magtagumpay. Kaya ito ang pakay ko ngayon dito sa inyo. Hindi lang maghahatid ng tulong pero magbigay ng pangako: Na kasama ninyo ang pamahalaan sa paglaban sa masamang epektong dulot ng El Niño,” pahayag ng Pangulo.

Kaya naman aniya, sisikapin ng pamahalaan na maipagkaisa ang lahat para sa Bagong Pilipinas.

“Sa Bagong Pilipinas, nagkaka-isa po ang pamahalaan upang sabay-sabay nating mapagtagumpayan ang mga unos at pagsubok na ating nararanasan,” dagdag pa nito.