PBBM ilalapit gobyerno sa mga ‘Pinoy: Walang maiiwan, makakaligtaan

Ipinangako ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. na walang lugar sa bansa ang maiiwan pagdating sa pagtanggap ng mga government assistance, lalo na ngayong tag-init.

Ipinangako ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na walang lugar sa bansa ang maiiwan pagdating sa pagtanggap ng mga government assistance, lalo na ngayong tag-init.

Aniya, mahalaga sa kanya na personal na maihatid ang mga ayuda mga mamamayan.

Ito ay matapos mapinsala ng El Niño ang P5.9 milyong halaga sa sektor ng agrikultura.

“Hindi lang Zamboanga ang ating hahatiran ng tulong kundi lahat ng rehiyon ay aking dadalawin. Buong bansa ay tatamasa ng mga programa na ating pinagkakaloob,” pahayag ng Pangulo.

“Lalarga tayo sa buong kapuluan. Walang rehiyon na maiiwan, walang lalawigan na makakaligtaan. Hindi ang lokal na pamahalaan ang dudulog sa Malacañang. Ang Malacañang ang pupunta sa mamamayan,” dagdag pa nito.

Kamakailan lang ay nagpaabot ng kabuuang P58 milyong tulong pinansyal si Pangulong Marcos sa Lungsod ng Zamboanga at mga Lalawigan ng Zamboanga del Sur, Zamboanga del Norte, at Zamboanga Sibugay.