PBBM ikinatuwa tagumpay ng naval exercise sa WPS

Masaya si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa naging resulta ng kauna-unahang multilateral maritime cooperative activity (MMCA) sa West Philippine Sea (WPS) nitong Linggo.

Masaya si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa naging resulta ng kauna-unahang multilateral maritime cooperative activity (MMCA) sa West Philippine Sea (WPS) nitong Linggo.

Sa isang panayam, kumpiyansa ang pangulo na lahat ng natutunan sa MMCA ay magpapaunlad ng kasanayan ng bansa pagdating sa maritime operations kasama ang US, Japan, at Australia.

“The cruises that we are doing, (those have) been planned for a long time. The interim reports that I am getting is that is very useful in terms of the interoperability so that each Navy knows how the other Navy operates, number one; and secondly that they learn how to operate together,” anang pangulo.

“So, maganda naman daw ang takbo,” aniya.

Dahil sa tagumpay ng MMCA, umaasa si Marcos na mababawasan na ang pambu-bully ng China sa WPS.

“I sincerely hope so. I really do. I really do, but again, we are trying everything. We still continue to talk at the ministerial level, at a sub-ministerial level, at a people-to-people level,” dagdag pa niya.

“Lahat ng maaari nating gawin, ginagawa natin para maka-usap ang Chinese leadership, ang Beijing, maka-usap sila na ‘wag na natin masyadong papa-initin pa at mag-uusap tayo nang mabuti para walang banggaan, walang cannon, walang water cannon,” saad pa ni Marcos.

Samantala, nitong Abril 1 hanggang 5 ay isinagawa sa Camp Aguinaldo, Quezon City ang unang Information Warfighter Exercise sa pagitan ng Pilipinas at US. Sa Abril 22 naman ay lalarga ang Balikatan Exercises 2024.