PBBM ikinatuwa mataas na satisfaction rating

Nangako si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na mas pag-iigihan pa niya ang kanyang pagtatrabaho matapos makakuha ng "good" na satisfaction rating sa huling survey ng Social Weather Stations (SWS).

Nangako si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na mas pag-iigihan pa niya ang kanyang pagtatrabaho matapos makakuha ng “good” na satisfaction rating sa huling survey ng Social Weather Stations (SWS).

Sa survey na inilabas lang kamakailan, pumalo sa +47 ang net satisfaction rating ng pangulo sa Disyembre 2023, mas mataas kumpara sa +44 noong Setyembre ng nakaraang taon.

“I’ve been talking about this since the changes that we wanted, that we have been making have been very structural and such structural changes take time to trickle down,” pahayag ng pangulo sa Prague, Czech Republic.

“For people to feel the actual effects of what we are doing, I’m just happy that we are beginning to get to that point where people are seeing the wisdom of some of the measures that we’ve undertaken, the policy changes that we’ve made, the legislations that we have requested from the Congress,” dagdag pa niya.

Sa kabila ng positibong resulta ng survey, tiniyak ni Marcos na hindi nakabatay sa pulso ng mamamamayan ang pagpapatupad niya ng mga programa.

“It’s always good news. But, you know, we do not conduct policy according to surveys,” aniya.