PBBM ide-date First Lady: Nagtatampo na sa’kin

"Kailangan akong babawi pagbalik ko galing sa States."

“Kailangan akong babawi pagbalik ko galing sa States.”

Ibinahagi ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na dalawang date na nila ni First Lady Liza Araneta-Marcos ang kanyang hindi napuntahan dahil sa pagiging abala sa trabaho.

Sa isang panayam, sinabi ng Pangulo na pagkatapos ng kanyang trabaho sa United States ay kailangan niyang bumawi sa maybahay.

Aniya, nagtatampo na kasi sa kanya ang First Lady kaya naman dadalhin niya umano ito sa isang date.

“Wala, this last. Dalawa na miss namin ang date namin. So, kailangan akong mag-ano, kailangan akong babawi pag-balik ko galing sa States. Nagtatampo na sa akin,” natatawang pahayag nito.

Nauna diyan, ibinahagi na rin ni Pangulong Marcos at ng First Lady kung paano sila naglalaan ng oras sa isa’t isa sa pamamagitan ng pagkain sa restuarant tuwing Miyerkoles at pagluluto sa bahay.

Samantala, nakatakda namang lumipad ang Presidente sa Washington, D.C. sa Abril 10 para sa trilateral summit kasama ang United States at Japan.