PBBM: Hospitality ng Pinoy mabenta sa turista

Nanawagan ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. sa mga Pilipino na panatilihin ang hospitality culture sa Pilipinas.

Nanawagan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa mga Pilipino na panatilihin ang hospitality culture sa Pilipinas.

Sa vlog ng Pangulo, sinabi nito na noon pa man ay malaki na ang naging ambag ng pagiging maasikaso ng mga Pinoy sa pagbisita ng mga banyaga.

Sinabi ni Pangulong Marcos na naniniwala siyang hanggang ngayon ay mahalagang sangkap pa rin ang Filipino hospitality sa pag-angat ng bansa, lalo na bilang isang “tourism brand.”

“Ang Filipino hospitality ay katangian na noon pa man nang bawat Pilipino. Isabuhay pa natin ito, lalo pang paghusayan, ito ang mahahalagang sangkap sa ating biyahe tungo sa Bagong Pilipinas,” ani Pangulo.

“Ang Filipino hospitality na ito ay likas sa bawat isa sa atin dahil sa tahanan nagmumula ang pag-aalaga ng mga Pilipino,” dagdag pa nito.