PBBM hinimok media: Ibalita pang-aabuso ng China sa WPS

Hinimok ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. ang media na ipagpatuloy ang pagbabalita ukol sa mga iligal na gawain at pang-aabuso ng China sa West Philippine Sea (WPS).

Hinimok ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang media na ipagpatuloy ang pagbabalita ukol sa mga iligal na gawain at pang-aabuso ng China sa West Philippine Sea (WPS).

Ayon sa Pangulo, nararapat lang ito upang maipagtanggol ang karapatan ng mga Pilipino sa WPS.

“It is crucial that the media, including the members of FOCAP, to continue to expose these actions that not only threaten the peace and stability in the region but also undermine the rules-based order that has undertaken global development and prosperity over the previous century,” pahayag ni Marcos sa media forum para sa ika-50 anibersaryo ng Foreign Correspondents Association of the Philippines (FOCAP).

“We must do everything to defend our shores, exercise our sovereign rights and jurisdiction, and uphold the national interest,” dagdag pa nito.

Pagdidiin ng Presidente, ang “rule of law” at global consensus ay ang “lpinakamahalagang sandata ng Pilipinas sa pagpapatibay ng teritoryo sa karagatan.