PBBM hinimok ASEAN: Maging matikas sa South China Sea issue

Hinimok ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga miyembro ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) na maging matikas pagdating sa issue ng agawan sa teritoryo sa South China Sea.

Hinimok ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga miyembro ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) na maging matikas pagdating sa issue ng agawan sa teritoryo sa South China Sea.

Sa leader’s retreat sa ASEAN-Australia Special Summit, nanindigan si Marcos na hindi niya hahayaan na sakupin ng ibang bansa ang teritoryo ng Pilipinas.

“It is thus my government’s position that we will not yield an inch of our sovereign territory, as we are committed to defending our rights within the parameters recognized by international law,” giit ni Marcos.

“It therefore behooves the Philippines, ASEAN, and Australia and all like-minded states to exercise the boldness and sense of responsibility to remain committed to the peaceful resolution of disputes and to maintain respect for the rules-based international order and multilateralism, especially in the face of deliberate efforts by others to denigrate, deny and even violate international law,” aniya pa.

Umaasa si PBBM na manindigan din ang ibang ASEAN countries sa paggiit ng karapatan tungkol sa territorial dispute sa South China Sea.

“Let me be clear: We encourage our ASEAN neighbors to frame conflicts not simply as rivalry between major powers, but as direct challenges to the sovereignty of independent states whose well-being, both politically and economically, are interdependent and intertwined,” sambit ng Pangulo.

Matatandaan na noong Huwebes, March 5, ay muling binomba ng water cannon ang maliit na vessel ng Philippine Coast Guard ng dalawang barko mula sa China Coast Guard at Chinese Maritime Militia.

Ayon kay Marcos, maghahain ng protesta ang Pilipinas hinggil sa pangha-harass ng China sa West Philippine Sea.