PBBM hinikayat publiko: Makilahok sa traffic summit

Inanyayahan ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. na makilahok ang lahat sa gaganapin na traffic summit sa Pilipinas.

Inanyayahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na makilahok ang lahat sa gaganapin na traffic summit sa Pilipinas.

Sa YouTube vlog ng Pangulo, sinabi nito na nais niyang marinig ang mga suhestiyon ng masa ukol sa sa paghahanap ng paraan upang mapabuti ang sitwasyon sa trapiko.

Patuloy kasi umano ang pamahalaan sa paghahanap ng agarang ginhawa para sa mga commuter at motorista mula sa trapiko.

“Makilahok din kayo kahit sa comments section para malaman namin ang iba niyong mga idea at mga naiisip ninyo,” pahayag nito.

Gaganapin sa Miyerkoles ang townhall meeting-style summit ay magaganap sa FilOil EcoOil Centre sa San Juan City.

Samantala, tatalakayin ng mga ahensya ng gobyerno at mga lokal na pamahalaan ang detalye sa mga hakbang na dapat gawin upang malutas ang naturang problema sa trapiko.