PBBM hinandog P150M sa Veterans para sa bagong MRI

Nagkaloob ng P150 million si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sa bagong kagamitan sa Veterans Memorial Medical Center (VMMC).

Nagkaloob ng P150 million si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sa bagong kagamitan sa Veterans Memorial Medical Center (VMMC).

Dumalaw si Marcos sa VMMC sa Quezon City nitong Martes, April 9, sakto sa paggunita sa Araw ng Kagitingan.

Sa kanyang pagbisita ay siniguro ni Marcos ang pondo para bagong magnetic resonance imaging (MRI) machine sa naturang ospital.

Ang VMMC ay ospital na nagbibigay ng libreng gamot sa mga military personnel at mga army veteran na sumabak simula pa noong World War II.

“Excited for the new MRI at VMMC, ensuring the delivery of expert care for our veterans and their families!” ayon kay Marcos.

Ang pondo ay nanggaling sa Social Fund ni PBBM, ayon sa Presidential Communications Office.